QC inulan ng yelo

MANILA, Philippines - Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan kahapon ng alas-4 ng hapon, inulan ng yelo ang iba’t ibang bahagi ng Quezon City.

Ang yelo na ga-mais ang laki ay posible umanong dulot ng thunderstorm, ayon kay Chris Perez, weather forecaster ng PAGASA.

Ayon kay Perez, ang thunderstorm ay kalimitang may kidlat at pagkulog na kadalasan ang kasamang pag-ulan ay may yelo.

Ang thunderstorm anya ay maaaring maganap kahit na mainit ang panahon tulad nang naganap kahapon.

Show comments