MANILA, Philippines - Nagpasaklolo na kay Pangulong Aquino ang “nanalong†lowest bidder sa multi-bilyong computerization project ng Land Transportation Office (LTO) matapos itong ideklarang “disqualified†ng LTO Bids and Awards Committee noong isang buwan.
Sa isang liham sa PaÂngulo kahapon, sinabi ng Digitext Asia, Trimax IT (India) at Newtech Media Solutions na walang batayan at mababaw ang mga sinabing dahilan ng BAC para ibasura ang kanilang panalo.
Sa open bidding noong Nobyembre 26, 2012, tinanggap ng BAC ang P3.8 bilyon na alok ng grupo kung saan agad na nakatipid ng P4.4 bilyon ang taumbayan kumpara sa P8.2 bilyon badyet ng gobyerno para sa LTO computerization project.
Subalit noong Pebrero 7, higit dalawang buwan matapos ang bidding, idineklara ni BAC chairman at Department of Transportation and Communications (DOTC) undersecretary Jose Perpetuo Lotilla, na “disqualified†ang grupo ng Trimax dahil wala umano itong “valid mayor’s permit,†walang ‘Bill of Quantity’ (BOQ) at kulang ng dokumento ang ‘bid offer’ nito.
Agad ding inanunsiyo ni Lotilla na “extended†ang kontrata ng Stradcom, ang dating service provider ng LTO at binubusisi na ng BAC ang ‘bid offer’ ng dalawa pang natalong bidder.
“The ground for disqualification of our consortium as invalid mayor’s permit has no basis. We have complied with all our business registration requirements and this is a matter of public record,†anang liham kay Pang. Aquino.
Ipinunto rin ng consortium na taliwas sa mga lumabas na balita, may sapat na kakayahan ang Trimax sa usaping pinansiyal at teknikal upang tagumpay na hawakan ang LTO computerization project.
Ilan umano sa malalaki nitong ‘investor’ ay ang Aditya Birla Capital Advisors (ABCAP), bahagi ng US$ 40 billion Aditya Group, ang US$100 million Banyan Tree Growth Capital at ang Zephyr Peacock of India, na parehong ‘multi-million dollar private equity fund.’
Marami na rin umaÂnong mga kostumer sa India at iba pang panig ng mundo ang nakinabang at patuloy na tumatangkilik sa mga produkto at serbisyo ng Trimax na pawang may kinalaman sa computer at information technology.