Pirma na lang ni PNoy ang kulang, absentee voting sa media pinamamadali sa Senado
MANILA, Philippines - Nanawagan ang lideÂrato ng Kamara sa Senado na lagdaan na ang panukalang absentee voÂting para sa mga miyembro ng media.
Ayon kay House MaÂjority Leader Neptali Gonzales II, ito ay upang magkaroon pa ng sapat na panahon ang Commission on Elections (Comelec) na makapaglatag ng implementing rules.
Paliwanag pa ni Gonzales, February 14 pa nila naisumite sa tanggapan ni Pangulong Aquino ang niratipikahang bersyon ng Kamara at mayroon na lamang hanggang March 16 ang Pangulo para lagdaan ito.
Paliwanag pa ng mamÂbabatas na kung hindi malalagdaan ni PNoy hanggang March 16 ang ratified version ay otomatiko na itong magiging batas.
Sa ilalim ng inaprubahang panukala, ang mga taga media ay papayagan nang makaboto kahit labas sa lugar kung saan sila rehistradong botante kung sila ay naka-duty sa mismong araw ng eleksyon.
Subalit limitado lang sa national positions ang kanilang maaring iboto kasama na ang partylist.
- Latest