^

Bansa

Sapilitang graduation donation isumbong - DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang at mga graduating students na isumbong sa kanilang tanggapan sakaling sapilitan silang singilin ng graduation donation ng mga paaralan.

Binigyang-diin ng DepEd na maging ang mga graduation donations na aprubado ng Parent-Teacher Association (PTA) ay hindi maaaring igiit sa mga graduating students.

Ayon sa DepEd, ang lahat ng PTA-approved graduation donations ay boluntaryo lamang kaya’t hindi ito maaaring ipilit na bayaran ng mga magulang.

Sakali naman umanong sabihin ng paaralan na hindi makaka-graduate ang mag-aaral kung hindi magbibigay ng donasyon ay maaari itong isumbong sa DepEd sa pamamagitan ng kanilang email address na [email protected]

Inirerekomenda ng DepEd na ang graduation sa mga paaralan ay isagawa sa Marso 18 o 19.

AYON

BINIGYANG

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPED

INIREREKOMENDA

MARSO

PARENT-TEACHER ASSOCIATION

PINAYUHAN

SAKALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with