^

Bansa

Singil ng Meralco tataas ngayong Marso

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tataas ng P0.10 kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Marso bunsod na rin nang pagpapatupad nang inaprubahang pagbawi sa stranded contract costs ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM) ng Napocor.

Ang stranded contract cost na P0.1938 kada kWh, ay tumutukoy sa labis na contracted cost ng kuryente sa ilalim ng eligible contracts ng Napocor sa mga independent power producers (IPPs).

Nauna nang inaprubahan ng Energy Regulation Commission (ERC) ang PSALM upang mabawi ng Napocor ang kanilang stranded contract cost na P53.581 bilyon mula sa lahat ng power consumers.

Mararamdaman umano ang naturang pagtaas sa universal charge component ng electricity bill ngayong Marso.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng Meralco na bumaba ang kanilang generation charge ng singko sentimo o mula P5.19 per kWh ngayong Marso mula sa dating P5.24 per kWh noong Pebrero.

Ito na umano ang pinakamababang singil nila sa generation charge simula Mayo 2011, na dulot naman ng mas mababang halaga ng kuryente na nabili nila mula sa kanilang bagong Po­wer Supply Agreements (PSAs) at IPPs.

Bumaba rin umano ang transmission at system loss charges sa mga residential customers ng tatlong sentimo kada kWh.

BUMABA

ENERGY REGULATION COMMISSION

MANILA ELECTRIC COMPANY

MARSO

MERALCO

NAPOCOR

POWER SECTOR ASSETS AND LIABILITIES MANAGEMENT CORP

SUPPLY AGREEMENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with