Mayoralty bid ni Erap, go na!

MANILA, Philippines - “Malinaw na walang disqualification at 100% pwedeng kumandidato, 100% pwedeng iboto si Erap sa Manila.”

Pahayag ito ni dating solicitor general Frank Chavez matapos ibasura ng Manila-Regional Trial Court-Branch 20 ang isang petisyong humi­­h­i­ling na idiskuwalipika si dating Pangulong Joseph Estrada sa pagkandidatong alkalde ng Maynila sa lokal na halalan sa Mayo.

Dahil dito, sinabi ni Chavez na wala nang legal na sagabal sa pagkandidato ni Estrada at maaari itong iboto sa Maynila.

Ayon kay Chavez, ibinasura ni Judge Marivic Balisi-Umali ang disqualification petition nina Romeo de Leon at Mariel Limueco laban kay Estrada dahil wala itong basihan at walang legal standing ang mga petitioner.

Ayon kay Chavez, naibalik na ang karapatang sibil at pulitikal ni Estrada nang mabigyan ito ng pardon ng dating pamahalaang Arroyo kaug.

Hindi rin umano main­tindihan ng korte kung paanong ang pardon ni Estrada ay makakasira sa karapatang bumoto ng mga petitioner o kung paano dito mawawalan-saysay ang kanilang boto.

Bukod dito, ayon kay Chavez, sinasabi ng korte na malabo, puro ispekulasyon at walang katiyakan ang petisyon.

Show comments