^

Bansa

Taiwanese papasok sa Apeco

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humihingi ng permiso sa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (Apeco) ang isang kampanya ng agribusiness mula sa Taiwan para mamuhunan sa iba’t ibang negosyo na nais nitong itatag sa bansa.

Ayon kay Apeco President Malcolm I. Sarmiento Jr., inihayag ng Nan Tsan Aurora Ltd., Inc ang panukala nito sa pamamagitan ng Letter of Intent na isinumite ng legal representative nito na si Atty. Johannes R. Bernabe.

Ani Sarmiento, balak ng Nan Tsan na mag-umpisa sa fish processing at mangangailangan ito ng 1,000 metro kuwadradong lote na pagtatayuan ng mga kailangang pasilidad at mga kagamitan kung saan magsisimula sa Abril hanggang Hunyo, 2013.

Bagaman walang ibinigay na halaga para sa mga pasilidad at kagamitan ng eel processing, maglalagak ang kompanya ng di-kukulangin sa US$1.25 million  (P50.86 milyon) para lamang sa fish processing at papaya projects.

Ayon kay Sarmiento, kailangan ng Nan Tsan ng 10 ektaryang lupain sa loob ng Aurora ecozone para sa pagtatanim ng papaya, kung saan kahit ang mga buto nito ay iipunin bilang export sa Taiwan.

Ang mismong prutas naman ay ibibenta o idadaan sa proseso para maging by-product na puwedeng gamitin ng mga gumagawa ng cosmetic products o ng mga pharmaceutical companies.

ABRIL

ANI SARMIENTO

APECO PRESIDENT MALCOLM I

AURORA PACIFIC ECONOMIC ZONE AND FREEPORT AUTHORITY

AYON

JOHANNES R

LETTER OF INTENT

NAN TSAN

NAN TSAN AURORA LTD

SARMIENTO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with