^

Bansa

Pinay nurse utas sa bangga

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Pinay nurse ang nasawi habang lima pang kasamahan nito ang nasugatan sa isang road accident sa Saudi Arabia.

Ayon sa Arab News, namatay habang ginagamot sa King Khaled Hospital sa Al Kharj, may 77 kilometro ang layo sa timog ng Riyadh, si Emma Eleterio, nurse sa Prince Salman Hospital sa Saudi Arabia at tubong General Santos.

Kabilang sa 15 katao na sugatan ay ang mga kasamahan ni Eleterio na sina Jennifer Tambag, Alicia Dave, Liliosa Balidiosa, Mae Mandrez at Bernadeth Chavez.

Nabatid sa report, habang patungo ang mga biktima sa pangunahing palengke ng Kharj City para sa weekend shopping trip noong Huwebes nang banggain sa likod ang kanilang sinasak­yang bus ng isang humaha­rurot na sasakyan hanggang sa bumangga sila sa isang road divider at dumiretso sa opposite lane.

Ang mga labi ni Ele­terio ay nasa mortuary ng King Khaled Hospital at inaasahang maiuuwi sa Pilipinas.

Nagtungo sa Saudi si Eleterio at nagtrabaho doon bilang nurse sa loob ng 9 taon.

vuukle comment

AL KHARJ

ALICIA DAVE

ARAB NEWS

BERNADETH CHAVEZ

ELETERIO

EMMA ELETERIO

GENERAL SANTOS

KING KHALED HOSPITAL

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with