Phaseout ng 15-year-old buses tuloy na

MANILA, Philippines - Tuloy na ang gagawing pag-aalis ng Land Transportation Fran­chi­sing Regulatory Board (LTFRB) sa mga 15-year old buses sa mga lansa­ngan laluna sa kahabaan ng Edsa at mga pangunahing lansangan.

Sinabi ni Gigi Reyes, spokesperson ni LTFRB Chairman Jaime Jacob, hanggang ngayong Huwebes (Pebrero 28) na la­mang ang taning ng ahen­siya sa mga bus owners­ para pakinggan ang ka­nilang sentimyento.

Sinasabing kalahati ng mga pampasaherong bus na napasada ngayon ay mga 15 taon na ang edad.

Nilinaw din ni Reyes na kahit na alisin sa mga lansangan ang mga lumang bus ay hindi naman kukulangin ang bilang ng mga bus na matitirang magsasakay sa milyong mga pasahero araw-araw laluna sa Metro Manila.

Tinaya ni Reyes na sa Hunyo ng taong ito ay wala ng makikitang mga 15 year old buses sa mga lansangan sa bansa laluna sa kalakhang Maynila.

 

Show comments