^

Bansa

100 inilikas dahil sa landslide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umaabot sa mahigit 100 katao ang inilikas matapos ang landslide sa isang pamayanan sa Brgy. Coronan, Sta. Cruz, Davao del Sur, ayon sa ulat nitong Lunes.

Ayon sa  National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), naitala ang landslide dakong alas-4 ng madaling araw nitong Sabado sa Purok Cadena de Amor sa Brgy. Coronan ng nabanggit na bayan.

“The incident was triggered by the continuous mo­derate to heavy rain that h­ad prevailed over the region,” pahayag ni NDRRMC Exe­cutive Director Eduardo del Rosario.

Ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang kinukupkop sa evacuation center sa nasabing lugar.

Wala namang iniulat na nasugatan at nasawi sa nasabing insidente kung saan maraming mga kabahayan ang naapektuhan din sa landslide.

Samantalang namahagi na rin ng relief goods ang disaster management team at lokal na pamahalaan sa mga pamilyang sinalanta ng landslide dulot ng mga pag-ulan.

AYON

BRGY

CORONAN

CRUZ

DAVAO

DIRECTOR EDUARDO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

PUROK CADENA

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with