MANILA, Philippines - Sa wakas ay makakamit na rin ng mga biktima ng human rights abuses ng Marcos regime ang kanilang matagal nang hinihintay na compensation matapos lagdaan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang Human Rights Reparation and Recognition Act of 2013 sa mismong pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng People Power revolution.
Hindi lamang mabaÂbayaran ang mga biktima ng human rights abuses sa Marcos regime na magmumula sa nabaÂwing P10 bilyong ill-gotten wealth, kundi kinikilala din nito ang mga karahasan at kalupitan na naranasan ng HR victims ng diktadurÂyang Marcos, ayon naman kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr.
Ang EDSA People Power revolt nang nagkaisang mamamayan at mga sundalo ang nagpabagsak sa rehimeng Marcos noong 1986 at naging daan naman upang iluklok si Pangulong Cory Aquino sa Malacañang.
Itinayo din ang Human Rights Violation Victim’s Memorian Commission kung saan ay makikipag-ugnayan naman ito sa Commission on Higher Education at Department of Education upang ituro sa mga estudyante ang mga pag-abuso ng rehimeng Marcos at ang kabayanihan ng mga taong lumaban sa diktador.
Ayon naman sa MaÂlacañang, maging ang paÂmilya ni Pangulong Aquino ay entitled sa nasabing compensation dahil biktima rin sila ng human rights violations sa ilalim ng Marcos government.
Iginiit naman ni Team PNoy senatorial candidate Sen. Loren Legarda na dapat ituloy pa din ng taumbayan ang pakikipagÂlaban para sa karapatang pantao matapos ang 27 taong anibersaryo ng EDSA revolt.
Samantala, suportado ng liderato ng Armed ForÂces of the Philippines (AFP) ang P10-B Human Rights Reparation and Recognition Act na pinagtibay kahapon ni PaÂngulong Benigno Aquino kasabay ng ika-27 taong paggunita sa makasaysayan at mapayapang EDSA People’s Power 1 Revolution.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., buhay na buhay pa sa puso ng mga sundalo ang diwa ng EDSA 1 na maÂlaki ang papel na ginampanan kaya natamo ang demokrasya sa bansa.