P6B buwis nawawala sa smuggling ng agri products
MANILA, Philippines - Anim na bilyong piso ang umano’y nawawalang buwis sa kaban ng bayan sa smuggling ng baboy, manok, bigas at sibuyas.
Bunsod nito kaya umapela ang grupo ng mga magsasaka, magmamanok at magbabababoy sa pangunguna ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Partylist Rep. Nicanor “Nikki†Briones sa gobyernong Aquino na pagtuunan din ng pansin ang smuggling ng mga agricultural products sa bansa.
Hiling ni Rep. Briones, kung ano sanang atensyon ang ibinibigay sa Port Irene sa Cebu dahil sa sumuggling ng mga imported na sasakyan ay dapat ganun din ang ilaan nito sa mga agricultural products.
Anang mambabatas, sa ngayon ay lugmok sa kahirapan ang mga magsasaka, magmamanok at magbababoy dahil sa smuggling.
- Latest