^

Bansa

2 senat’l bets, 6 party-lists sinita sa illegal campaign materials

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang senatorial bets at anim na party-list groups ang pinadalhan ng notices mula sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng kanilang iligal na size at paglalagay ng campaign materials.

Ayon kay Atty. Esmeralda Ladra, director ng Co­melec-Law Department, kasama sa kanilang pinadalhan ng notice sina Risa Hontiveros ng Team PNoy at independent candidate na si Edward Hagedorn.

Sa mga party-list groups naman ay pinadalhan rin ng notice ang mga grupong Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA); Buhay Hayaan Yumabong (Buhay); 1 Joint Alliance of Marginalized Group, Inc. (1JAMG); Piston Lang Transportation Coalition, Inc. (Piston); Kabataan; at LPG Marketers Association, Inc. (LPGMA).

Sinabi ni Ladra na nakalagay sa kanilang notice na inaatasan ang mga nasabing kandidato na alisin na ang kanilang mga campaign materials na sobra sa size o nakalagay sa hindi naman itinalagang common poster area.

Ang poster ni Hontiveros ay nakalagay sa Dumaguete City habang ang kay Hagedorn naman ay sa Osmeña Highway sa Maynila.

Sinabi ni Ladra na kapag sa loob ng 3 araw ay hindi inalis ng mga ito ang kanilang illegal campaign materials ay maaari silang maharap sa election offense.

Sa ngayon ayon kay Ladra ay wala pang sinuman sa mga ito ang umaksyon sa kanilang notice, habang ang “Buhay” naman ay iginiit na hindi sila ang naglagay ng kinukwestyong campaign posters.

 

BAYANING ATLETA

BUHAY

BUHAY HAYAAN YUMABONG

DUMAGUETE CITY

EDWARD HAGEDORN

ESMERALDA LADRA

JOINT ALLIANCE OF MARGINALIZED GROUP

LADRA

LAW DEPARTMENT

MARKETERS ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with