Lolong namatay sa atake, pneumonia

MANILA, Philippines -  Sakit na pneumonia at cardiac arrest ang ikinamatay ng world largest crocodile na si Lolong batay sa report ng mga veterinarians at bio­logy experts na sumuri sa labi ng buwaya.

Batay sa ulat ni Protected Areas and Wildlife Bureau Director Theresa Mundita Lim, bago namatay si Lolong ay may mga impeksiyon na ito sa mga major organs tulad sa puso, bato, bituka at atay.

“Findings indicate that there could have been a chronic infection that may have been aggravated by stress,” paliwanag ni Lim.

Sinasabi rin na hindi maayos na naalagaan si Lolong sa ginawang tirahan nito sa Bunawan, Agusan del Sur kayat humina na ito ng humina hanggang sa mamatay. 

Sinabi naman ni DENR Sec. Ramon Paje na sa susunod na dalawang linggo ay magkakaloob ang ahensiya ng mas detalyado pang mga ulat ang ahensiya hinggil sa ugat ng kamatayan ni Lolong dahil sa panahong ito ay tapos na ang buong pagbusisi ng mga tauhan sa labi ng buwaya.

 

Show comments