Proc rally ng Team PNoy sa Laguna dinumog

MANILA, Philippines - Mainit na sinalubong ng mamamayan si Pa­ngulong Aquino sa gina­nap na proclamation rally ng mga kandidato sa ilalim ng Partido Liberal sa lalawigan ng Laguna.

Halos magsikip ang buong gym ng Central High School sa San Pablo City na nilahukan ng mga suporter at iba’t ibang kandito ng Liberal Party.

Isa si Congressman Edgar ‘Egay’ San Luis na kandidato bilang Gobernador sa lalawigan ng Laguna sa mga inindorso ni Pangulong Noynoy Aquino dahil sa malaki ang maitutulong ng una sa malinis na pamamahala ng nabanggit na lalawigan.

Sa naunang talum­pati ni Pangulong Aquino, agad nitong pinasaringan ang isang mataas na opisyal na kasalukuyang nanunungkulan sa lalawigan na laging “late sa appointment” at pinaghihintay ang constituents na humihingi ng tulong.

“Ang meeting ko sa Malakanyang ay alas- 2:00 ng hapon darating ito nang alas-5:00, pasa­kay na ako sa helicopter at saka pa lang darating,” sinabi pa ni PNoy.

Ayon pa sa Pangulo, kailangan nang mabago ang sistema sa pagpapatakbo ng pamahalaan sa lalawigan ng Laguna sa pagtatalaga kay San Luis na kandidatong Go­ber­nador tungo sa matuwid na landas para sa ma­tagalan, mabilis na ser­­bisyo para sa tunay na reporma ng Laguna.

Show comments