MANILA, Philippines - Ganap nang bagyo ang isang low pressure area na namataan sa may silangan ng Mindanao.
Ganap na alas-5:00 ng hapon kahapon, namataan ng PAGASA ang bagyo na pinangalanang CriÂsing sa may layong 750 kilometro timog silangan ng General Santos City taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Si Crising ay kumikilos sa kanluran hilagang kanÂluran sa bilis na 19 na kilometro bawat oras.
Bunsod nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang isa sa lalawigan ng Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental at Compostela Valley.
Ngayong araw ng Martes, inaasahan ng PAGASA na si Crising ay nasa layong 350 kilometro silangan ng General Santos City at sa Miyerkules ng hapon sa layong 40 kilometro timog silangan ng Cotabato City at sa Huwebes ay nasa layong 220 kilometro ng timog silangan ng Zamboanga City.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat at lumikas sa matataas na lugar kung nakatira sa tabing ilog at dalisdis ng bundok.