PCSO officials pinagpapaliwanag ng Palasyo
MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Malacañang ang ilang opisyal ng PhiÂlippine ChaÂrity Sweepstakes Office (PCSO) kaÂugnay sa ulat ng CommisÂsion on Audit (COA) na dapat isauli ng mga ito ang P10-milyon na ‘disallowed allowances’ noong 2011.
Sinabi ni Deputy PreÂsidential Spokesperson AbiÂgail Valte, pagpapaliwanagin ng Palasyo ang mga opisyal ng PCSO na tinukoy umano sa COA report.
Kabilang sa mga piÂÂÂnagpapaliwanag ay sina PCSO chairperson MargaÂrito Juico, PCSO board memÂbers Aleta ToÂlentino, Joaquin Francisco III, Betty Nantes at Mabel Mamba.
Ipinasasauli ng COA ang unauthorized na sweldo at allowances na natanggap ng mga nasaÂbing PCSO officials na umaabot ng P10 milyon noong 2011. Kabilang ang nasabing mga official sa 300 highest paid goÂvernment executives na itinalaga ni Pangulong BeÂnigno Aquino III sa government posts.
Tiniyak naman ni Usec. Valte na patuloy pa din ang pagtitiwala ng Pangulong Aquino sa nasabing mga opisyal ng PCSO at naniniwala silang maipapaliwanag na mabuti ng naturang mga opisyal ang kinukuwestyon sa kanila ng COA.
- Latest