^

Bansa

DepEd sa mga kandidato: Graduation rites igalang

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga kandidato sa May 13 midterm elections na igalang ang graduation rites ng mga mag-aaral ngayong taon at huwag gamitin para sa kanilang pangangampaniya.

Ginawa ni Luistro ang panawagan dahil na rin sa magaganap na mga graduation ng mga estudyante sa iba’t-ibang eskuwelaha sa bansa sa susunod na buwan na maaari umanong gamitin ng mga pulitiko sa pa­ngangampanya.

Ayon kay Luistro, dapat respetuhin ng mga pulitiko ang mga gra­duation cere­monies na isang sagradong seremonya para sa mga graduating students at sa kanilang mga magulang.

Kaugnay nito, nagpalabas na rin ang DepEd ng mga panuntunan para sa mga seremonya ng pagtatapos ng mga mag-aaral.

Alinsunod sa patakaran, mahigpit na ipinatutupad ang “No Collection” o hindi pagkolekta ng graduation fees mula sa mga mag-aaral.

Mahigpit rin umanong ipinagbabawal ang pagsusumite ng mga estudyante ng mga non-academic projects bilang requirement upang maka-graduate lamang.

Sinabi ng Kalihim na ang mismong araw ng graduation ay isang pagtitipon na dapat ay may civic duties, sense of community at personal responsibilities. Dapat rin aniyang maging memorable ito at exciting para sa mga mag-aaral kahit pa walang mga maluluhong palamuti.

Pinayuhan pa ni Luis­tro ang mga magulang at mag-aaral na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga paaralang lu­malabag sa mga natu­rang patakaran sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang Action Center na numerong 636-1663 at 633-1942.

ACTION CENTER

ALINSUNOD

AYON

DAPAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

GINAWA

LUISTRO

NO COLLECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with