USS Guardian palubugin na lang

MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino na ilubog na lamang sa Tubbataha Reef ang sumadsad na barko ng US Navy.

Ito ay upang pangitlugan na lamang umano ng mga isda at maging tourist attraction na rin at dayuhin ng mga turista.

Bukod dito, sa ganitong paraan rin ay hindi mabubulabog ang reef at maibsan ang posibleng pinsala na matatamo ng karagatan kapag isinasagawa na ang “salvaging” sa naturang barko.

Sakaling ilulubog na lamang ang barko ay dapat tanggalin ang lahat ng parte nito na maaaring malusaw at makasama sa mga isda at coral reefs.

Paliwanag naman ni DOST Secretary Mario Montejo na may mga nakahanda ng mga siyentipiko mula sa iba’t ibang unibersidad sa bansa upang magtanim ng co­rals sa Tubbataha kung kinakailangan sa sanda­ling maalis na ang barko.

 

Show comments