^

Bansa

Wala nang mock polls - Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala nang magaganap na panibagong mock polls matapos lumabas ang report ng Technical Evaluation Committee (TEC) na nagsasabing kuntento sila sa mock polls na idinaos noong Pebrero 2.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr.,  kuntento ang TEC sa isinagawang mock elections at naayos na rin naman ang lahat ng minor glitches o mga munting aberya na naganap noon.

Ang TEC ay binubuo ng mga eksperto mula sa Department of Science and Technology (DOST), isang independent IT group, at isa mula sa Comelec.

Layunin aniya ng mock elections na matukoy ang mga pagkakamali at agad namang naitama.

Idinagdag pa ni Brillantes na hindi na rin kakayanin pa ng kanilang iskedyul at budget ang pagsasagawa ng isa pang mock elections bago ang halalan sa Mayo 13.

Magsasagawa naman aniya sila ng nationwide final testing sa lahat ng precinct count optical scan (PCOS) machines isang linggo bago ang halalan.

 

AYON

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

IDINAGDAG

LAYUNIN

MAGSASAGAWA

PEBRERO

TECHNICAL EVALUATION COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with