MANILA, Philippines - Nanganganib na ma-blacklist ang aabot sa 42,000 registered gun owners sa bansa matapos madiskubre ng PNP-Firearms and Explosives Division sa serye ng Oplan Katok na hindi totoo ang address o tirahan na isinulat ng mga gun owner sa kanilang information sheet.
Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, ang Oplan Katok ay inilunsad ng PNP-FED noong DisÂyembre 2012 bilang bahagi ng pinalakas na crackdown operations laban sa loose firearms kaugnay ng midterm elections sa May 2013.
Sinabi ni Purisima na bibigyan pa nila ng pagkakataon ang mga tusong gun owner na magpaliwanag kung bakit nagsinungaling ang mga ito.
Kapag hindi nakuntento ang PNP-FED sa paliwanag ng naturang mga gun owners ay hindi na maire-renew ang lisensya at ituturing ng loose firearms.