Sanhi ng pagkamatay ni ‘Lolong’ sisiyasatin ng DENR
MANILA, Philippines - Nagpadala na ng team kahapon ang DeÂpartment of Environment and Natural Resources (DENR) na kiÂnaÂbibilaÂngan ng mga veterina rians at biological experts sa Bunawan, Agu san del Sur upang malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng Worlds longest crocodile na si Lolong.
Ayon kay DENR Sec. Ramon J.P. Paje, tiÂtiÂyakin ng kanyang mga tauhan mula sa Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) at National Museum na mananatiÂling buhay sa mata ng publiko si lolong dahil sa iprepreserba ang balat nito sa oras na matapos na ang imbestigasyon.
Si Lolong ay nasukat ni Dr. Adam Britton ng National Geographic Channel (NGC) at opisÂyal na naghayag na si Lolong ay may sukat na 6.17 meters (20.24 feet) kayat nabigyan ng award bilang mid-2012 ng Guinness World Record dahil sa pagiging pinaka malaki at mahabang buwaya na nahuli sa mundo.
- Latest