UNA lumarga na sa Cebu

LAHUG, CEBU CITY, Philippines – Lumarga na ngayon araw ang nationwide cam­ paign ng United Nationalist Al­liance (UNA) kung saan ay ihaharap sa mga bo­tante ang 9 nilang kandidato sa pagka-senador.

Ayon kay UNA secretary general Toby Tiangco sina dating Pangulong Joseph Estrada, Vice Pre­ sident Jejomar Binay at Senate President Juan Ponce Enrile ang mangu­nguna sa proclamation rally­ sa Cebu na may 2.4 mil­yon rehistradong botante.

Ayon kay Tiangco, mas pinili nila ang Cebu sa paglulunsad ng grand rally bilang pagpapakita ng suporta kay Governor Gwen Garcia.

Kabilang sa mga se­natoriables ng UNA sina Senator Gregorio Ho­na­san, Nancy Binay, Ting­ting Cojuangco, JV Ejercito, Jack Enrile, Richard Gordon, Ernesto Maceda, Mitos Magsaysay at Juan Miguel Zubiri.

“Nakakataba ng puso ang pagpapakita ng suporta ng mga Cebuano, and UNA is very honored and proud to have its first rally in the province of Cebu,” sabi ni Tiangco.

 

Show comments