P15M pekeng Louis Vuitton nasabat ng BOC

MANILA, Philippines - Aabot sa P15 milyong pekeng signature bags at belts ang nakumpiska ng mga tauhan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rozzano ‘Ruffy’ Biazon sa Mactan, Cebu.

Kahapon ay ini-inspection ni Biazon kasama ang chief ng Intellectual Property Right Division na si Atty. Zsae de Guzman ang mga smuggled na pekeng mga bag at sinturon ng Louis Vuitton.

Ang naturang mga kontrabando ay tinangkang ipus­lit ng isang pinaghihinalaang smuggler sa port ng Cebu subalit hindi nakalusot dahil na rin sa maagap na mga tauhan ng Customs bunsod na rin sa mahigpit na kampanya ng ahensiya laban sa illegal smuggling sa bansa. Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon at ina­alam na ang mga kasabwat dito.

 

Show comments