MANILA, Philippines - Magpapalit umano ng hairstyle si United NaÂtionalist Alliance secretary general Toby Tiangco kapag nanalo ang 12 kandidato ni Pangulong Aquino sa pagkaÂsenador sa eleksyon sa Mayo.
Sinabi ni Tiangco na gagayahin niya ang hairdo ni Sen. Franklin Drilon kung mananalo ang lahat ng kandidato ng LP.
“I am offering a friendly wager. I am willing to change my hairstyle if they could muster a 12-0 win. I will copy Sen. Drilon’s do. And if they fail to get 12-0, I challenge Sen. Frank to copy my hairstyle,†ani Tiangco.
Ipinaalala ni Tiangco ang malungkot na sinapit ng Team Unity noong 2007 midterm elections kung saan natalo ang halos lahat ng senatorial bet ni noon ay dating Pangulong Gloria Arroyo.
“We smell the air of 2007 once again. It sounds like a subtle order to influence the elections. Sen Drilon is threading a dangerous zone here by conditioning the people of the outcome of the elections,†ani Tiangco.
Kung ang mga lumabas na survey ang pagbabatayan, halos hindi nagkakalayo ang bilang ng mga mananalong kandidato ng UNA at Team Pinoy.
Samantala, sinabi naman ni Liberal Party secretary general Mel Senen Sarmiento na iba ang sitwasyon noong 2007 at ngayong 2013.
Aniya, bagsak ang popularidad ni Arroyo noong 2007 kaya natalo ang halos lahat ng kandidato nito, samantalang ngayon ay mataas umano ang popularidad at malaki ang tiwala ng publiko kay Aquino.