^

Bansa

Stranded na Pinay sa Iran nagpakamatay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Pinay ang natagpuang lulutang-lutang sa dagat matapos na uma­­no’y magpakamatay dahil sa matinding depres­yon habang stranded sa Kish Island sa Iran.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, pinapabe­ri­pika na nila sa Konsulado ng Pilipinas sa Tehran ang insidente ng umano’y pagpapatiwakal ng isang Pinay na hindi pa binanggit ang pagkakakilanlan na kabilang sa may 2000 OFWs na sinasabing stranded sa Kish Island.

Inatasan din ang Konsulado na tingnan ang anu­mang mabibigay na assistance at maging sa ulat na maraming stran­ded na Pinoy sa Kish Island mula sa United Arab Emirates.

Hiniling na rin umano ng pamilya ng nasawing Pinay na ipasailalim sa awtopsiya ang bangkay at sa repatriation nito.

Base sa pahayag sa DZMM ng isang OFW na si Fatima Arandia na nagtatrabaho sa Kish Island simula noong 2006, may apat na araw umanong hindi kumain ang nasa­bing Pinay hanggang sa makita na lamang na lulu­tang-lutang sa dagat.

Nagtungo umano ang biktima sa Dubai mula Pili­pinas matapos na ku­nin ng kanyang kasinta­ han subalit matapos ang isang taon ay nabalitaan na nasawi ang kanyang ama at sumunod namang nagkasakit ang kanyang ina.

Bunsod nito, sinabi umano ng nasabing Pinay na nais na niyang umuwi sa Pilipinas subalit kapos sa pamasahe.

Si Arandia ay kabilang sa mga OFWs na tumutulong umano sa mga stranded Pinoys sa Kish Island. 

 

FATIMA ARANDIA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

ISANG PINAY

KISH ISLAND

KONSULADO

PILIPINAS

PINAY

SHY

SI ARANDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with