^

Bansa

P125 umento aprubado!

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiyak na sasaya ang mga manggagawa dahil inaprubahan na ng Labor Committee ng Kamara ang House Bill 375 na nagtatakda ng P125 legislated wage hike.

Walang tumutol sa mga kongresista na kasapi sa komite kaya unanimous ang naging pag-apruba sa panukala.

Si Benguet Rep. Ronald Cosalan, vice chairman ng komite ang nag-mosyon para aprubahan ang panukala at pumayag naman dito ang mismong principal author na si Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakalusot sa komite ng Kamara ang P125 wage hike bill subalit wala ng panahon para pagtibayin pa ito ng tuluyan ng Mababang Kapulungan.

Hindi na ito tinalakay sa plenaryo ng Kamara dahil huling araw na ng session kahapon dahil sa session break na ang Kongreso kaya malamang sa Hunyo 3 na ito mapag-uusapan.

Nabatid na inihain ang nasabing panukala noong 1998 o halos 15 taon na ang nakalilipas subalit hindi pa rin naipapasa.

Giit naman ni Act Teacher party list Rep. Antonio Tinio maliit pa rin ang tsansa na mai­salang ito sa plenaryo dahil ilang araw na lamang ang nalalabi ng session at muling magbabakasyon ang Kongreso at mu­ling babalik ang session sa Hulyo para sa 16th Congress.

Nilinaw pa ng mam­babatas na maaari lamang itong maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa loob ng isang araw na sesyon kung sesertipikahan ito ni Pangulong Aquino bilang urgent.

ACT TEACHER

ANAKPAWIS REP

ANTONIO TINIO

HOUSE BILL

KAMARA

KONGRESO

LABOR COMMITTEE

MABABANG KAPULUNGAN

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with