^

Bansa

Kampanya vs illegal gambling pinaigting

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Higit pang pinaigting ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang kampanya ng lokal na pamahalaan laban sa illegal gambling matapos na makarating sa tanggapan nito na may mga nakalulusot na sugal sa ilang lugar sa lungsod.

Kasabay nito, inatasan din ni Echiverri si Caloocan City Chief of Police, Sr. Supt. Rimas Calixto na magsagawa ng operasyon sa iba’t ibang sulok ng lungsod upang maaresto ang mga taong sinasabing nagpapasugal.

Nakipag-ugnayan na rin si Echiverri kay Liga ng mga Barangay President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri upang atasan ang mga barangay officials na maghigpit sa kanilang nasasakupang lugar upang walang makalusot na operator ng illegal gambling.

Bago ito, isang sumbong ang nakarating sa tanggapan ni Mayor Recom na nagsasabing may isang barangay na hindi natitigil ang illegal gambling na ang nagiging mga parukyano ay ang mga kabataan.

Base pa sa sumbong, ilang tauhan din ng pulisya ang nakikitang umiikot sa naturang sugalan kaya’t naghihinala ang mga residente na posibleng may basbas ng ilang tiwaling pulis ang puwesto ng illegal gambling kaya’t malakas ang loob ng operator nito.

Dahil dito, agad na ipinag-utos ng alkalde ang pag-iimbestiga upang mapatunayan kung totoo ang nasabing sumbong at sakaling may mga pulis na mapapatunayang patong sa iligal na sugal ay hindi mangingimi ang alkalde na maparusahan ang mga ito.

BARANGAY PRESIDENT

CALOOCAN CITY CHIEF OF POLICE

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

COUNCILOR RICOJUDGE

ECHIVERRI

MAYOR RECOM

RIMAS CALIXTO

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with