MANILA, Philippines - Tinawag na blackmail ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang pahayag ng Commission on Elections na kung hindi magagamit ang mga PCOS machine ay ibabalik ang manual na halalan.
Ayon kay Cayetano, hindi na dapat maging option ng Comelec ang manual na halalan lalo pa’t tatlong taon naman ang naging preparasyon para sa eleksiyon sa Oktubre.
Anya, ang Comelec naman ang namili na bilhin ang mga PCOS machine matapos mabigyan ng P10 bilyong pondo ng Kongreso.
Inihayag din ni CaÂyetano na bagaman at hindi naman talaga maaaring maging perpekto ang sistema, nakakaalarma na nagkakaroon ng palpak sa bawat mock election na isinasagawa ng Comelec dahil sa iba’t ibang dahilan kabilang na ang hindi pagpasok ng papel.