MANILA, Philippines - Isinusulong ni Aurora Congressman Edgardo “Sonny†Angara sa House of Representatives ang P5 bilyong education loan sa kolehiyo ng mga mahihirap na estudyante.
Ayon kay Angara, ang P5 bilyong programa ay naglalayong gawing isang institusÂyon sa bansa ang study-now-pay later scheme na anya ay susi para maisakonkreto at madama ng masa ang pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Lumago nang anim na porsiyento ang ating ekonomiya na siyang pinakamabilis sa paglaki sa Southeast Asia. Pero, ang tanong ng mamamayan, ‘bakit hindi namin iyan maramdaman.’ Sa halip na magpakita ng mga numero, ito ang dapat na tugon ng pamahalaan. Gamiting puhunan sa edukasyon ng ating mga kabataan ang mga natamo ng bansa,†sabi ni Angara na isang kandidatong senador.
Sa panukala ni Angara, ang mga mahihirap pero karapatdapat na estudyante ay bibigyan ng college loan sa mababang rate na lima hanggang 10 porsiyento kada taon na babayaran limang taon pagkaraang grumadweyt.
Ipinanukala ni Angara ang panimulang pondong P5 bilyon para sa komprehensibong study program na kukunin mula sa non-appropriated funds ng national treasury.
Sa loan program anya, ang mahihirap pero matatalinong estudyante ay makakapag-aral sa kolehiyo sa pamamagitan ng pautang na nasa mababang interes at madaling sistema ng pagbabayad.
“We have out-of-school youth by the millions, mahirap na, wala pang pinag-aralan, wala na talagang kalaban-laban sa buhay,†ani Angara,
Sa pamamagitan anya ng edukasyon ay binibigyan natin ng pag-asa ang mga estudÂyante at tinutulungan pa natin silang magtagumpay sa buhay.