MANILA, Philippines - Iminungkahi ng isa sa mga lider ng Kamara na idaan na rin sa dayalogo ang Freedom of Information (FOI) bill tulad ng taktikang ginawa nila sa Reproductive Health (RH) bill upang maiwasan ang pagkakaantala pa nito.
Sinabi ni Senior DeÂputy Majority leader Janet Garin, kailangan na rin idaan sa dayalogo ng mga pro at anti FOI bill ang pagpaplantsa ngaÂyon ng kanilang posisyon.
Puwede rin isa-isahin ng mga may akda ang lahat ng mga kongresistang tutol sa nasabing panukalang batas para pagpaliwanagin ang mga ito at payapain ang paÂngamba sa FOI bill.
Ito ay dahil sa panguÂnahing ikinatatakot ng mga tutol dito ay ang kawalan ng sistema sa ilalim nito at kung paano makakadepensa ang mga taga gobyerno kung maaabuso ang batas.
Paliwanag ni Garin, ang mga ganitong isyu ay hindi natugunan sa committee level matapos ibasura ang isinulong na right of reply provision ay ipinasa sa plenaryo ang pagtalakay dito.
Sa kabila nito aminado ang mambabatas na malabo nang maipasa ang FOI bill subalit kung magagawa umano ang dyalogo at maplantsa ang amyendang gustong ipasok ng mga kritiko ay preparasyon na ito para mapabilis ang pag-apruba ng panukala sa susunod na Kongreso.