MANILA, Philippines - Dapat maging panguÂnahing prayoridad ng dalawang mababang kaÂpulungan ng Kongreso ang isang panukalang-batas na nagtatakda ng minimum na buwanang suweldong P33,859 para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Ito ang iginiit kahapon ni Aurora Congressman Juan Edgardo M. Angara na nagpaliwanag na ang umentong ito ay naglalayong maibsan ang kakapusan sa pera ng 3.2 milyong mga guro sa pampublikong eskuweÂÂlÂahan.
“Ang mga guro ang puso at kaluluwa ng sis tema ng pampublikong paaralan. Humuhubog sila ng kaisipan at nagtuturo sa mga kabataan at maaaring isa sa mahusay na puhunang magagawa ng pamahalaan ang pagÂlikha ng mga inspirado at kuwalipikadong mga titser,†sabi ni Angara.
Si Angara ang awtor ng isang panukalang-batas sa House of Representatives na naglalayong itaas sa P33,859 mula sa kasalukuyang P17,225 ang minimum na buwanang sahod ng naturang mga titser.
Sa ilalim ng salary grades ng Department of Education, nasa klasipikasyon ng Salary Grade 10 ang kasalukuyang miÂnimum na sahod na P17,225. Nasa Salary Grade 19 naman ang suweldong ipinapanukala ni Angara na tagapangulo ng committee on higher and technical education ng House.
Pinuna ng kongresista na noon pang taong 1991 nagsimula ang pagsisikap na maitaas ang suweldo ng mga public school teacher.
Ipinahiwatig ni Angara sa isang pahayag na idiÂnidikta ng kasalukuyang realidad sa ekonomiya na mabago ang suweldo ng mga guro.
Pinuna pa ng mambabatas na, sa mga naging mahahalagang rekomendasyon ng Congressional Commission on the MoÂdernization of Education noong 1991, tanging ang pagtataas sa sahod ng mga titser ang hindi pa naisasakatuparan.
“Kailangang gawin na natin ito ngayon at pagÂtiÂbayin ang pagbabago para mapakinabangan ito ng 3.2 milyong public school teacher hangga’t maaga,†dagdag pa ni Angara.