^

Bansa

Satellite launching ng Sokor tagumpay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang ikatlong pagtatangka ng South Korea sa satellite launching nito kahapon.

Noong 2009 at 2010 ay nabigo ang South Korea sa paglulunsad ng satellite nito sanhi ng problemang teknikal kaya muling nagsagawa ng satellite upang tapatan ang North Korea na naglunsad rin ng satellite noong nakalipas na buwan.

Bunga nito, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos na inalis na rin kahapon ng hapon ang idineklarang no fly, no sail at no fishing zone sa bahagi ng karagatang nasa silangan ng bansa matapos na lumagpas ang rocket ng South Korea.

Pinaniniwalaan namang ang ‘fairing‘ at booster nito ay nahulog sa dagat bandang alas-3:02 ng hapon.

Sa kasalukuyan, ayon kay Ramos ay wala pang naiulat na nasugatan sa pagbagsak ng piyesa ng rocket na tumama sa bahagi na ng Pacific Ocean.

BUNGA

EXECUTIVE DIRECTOR BENITO RAMOS

KOREA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NOONG

NORTH KOREA

PACIFIC OCEAN

PINANINIWALAAN

RAMOS

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with