^

Bansa

Team PNoy pipigilan ang UNA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pipilitin ng mga kandidato ng administrasyon sa May 2013 elections na pigilan ang plano ng United Nationalist Alliance (UNA) na gawing lame duck president si Pangulong Aquino kung matatalo ang mga kan­di­datong senador ng administrasyon ng mga kandidato ng UNA.

Sinabi ni Senator Franklin Drilon, campaign manager ng Team PNoy, na importante ang magi­ging papel ng mga kandidato ng administrasyon sa susunod na eleksyon para matuloy ang plano ng Pangulo sa natitirang tatlong taon nito sa puwesto.

Inihayag din ni Drilon na nakahanda ang Pangulo na ikampanya ang kanyang team para sa 2013 national election upang matiyak na mananalo ang mga ito.

Hindi umano natatakot ang Pangulo na gamitin ang kanyang “political capital” dahil sa panalo ng kanyang mga kandidato nakasalalay ang mga repormang nais pa nitong ipatupad sa gobyerno.

Hinamon din ni Drilon ang kalabang partido na UNA na manindigan sa kanilang pagiging oposisyon.

vuukle comment

DRILON

HINAMON

INIHAYAG

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PIPILITIN

SINABI

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with