^

Bansa

Kasambahay Bill batas na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ganap nang batas ang Kasambahay Bill matapos itong lagdaan ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, ang Kasambahay Bill na isa nang Republic Act 10361 ay magiging epektibo matapos ang 15 araw.

“We are please to confirm that President Aquino signed Republic Act 10361 or An Act Ins­tituting policies for the protection and welfare of domestic workers last January 18,” wika ni Valte.

Nakapaloob sa Ka­sambahay Act ang pagbibigay ng dagdag benepisyo at pagkilala sa may dalawang milyong kasambahay sa buong bansa.

Ang isang kasambahay ay sasahod na ng minimum na P2,500 sa Metro Manila, P2,000 sa mga pangunahing mu­ni­sipalidad at siyudad at P1,500 sa iba pang bahagi ng bansa.

Bukod sa monetary compensation kabilang ang 13th-month pay, na­­kasaad din sa bagong batas ang pag-aatas sa mga employers na ga­wing miyembro ang kanilang ka­sambahay sa SSS, PhilHealth at Pag-ibig Fund at hatian ang mga ito sa pagbabayad ng kon­tribusyon.

Ang panukala ay na­ihain sa Kongreso may 15 taon na ang nakararaan subalit ngayon la­mang ito ganap na na­­ging isang batas sa ila­lim ng 15th Congress.

Nakasaad din sa nasabing Batas Kasambahay na ang eksaktong araw kung kailan nilagdaan ng Pangulo ang Do­mestic Workers Act ay itatalaga bilang ‘Araw ng mga Kasambahay’. (Rudy Andal/Butch Quejada/Gemma Garcia/Malou Escudero)

AN ACT INS

BATAS KASAMBAHAY

BUTCH QUEJADA

DEPUTY PRE

GEMMA GARCIA

KASAMBAHAY BILL

MALOU ESCUDERO

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with