MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na palakasin ang kanilang resistensya dulot ng lumalamig na klima.
Nabatid kay Dr. Lyndon Lee Suy, ng Emerging and Reemerging Infectious Diseases na maraming nagkakasakit ngayon dahil malamig ang panahon.
Tinukoy ng doctor ang trangkaso na pangunahing sakit ng mga mahihina ang resistensya maliban pa sa ubo, sipon at pananakit ng lalamunan at kasu-kasuan.
Bukod sa pagkain ng masustansiyang pagkain at prutas, kailangan ding mag-ehersisyo upang lumakas ang resistensya at malabanan ang anumang sakit.
Maaari din aniyang gumamit ng jacket o makakapal na damit upang mabawasan ang nararamdamang lamig.
Pinaiiwas din ng doctor ang publiko sa paninigarilÂyo at pag-inom ng alak na nagpapahina sa resistensya.