^

Bansa

High alert vs flu virus

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat na mag-isyu ang Department of Health (DOH) ng high alert status sa lahat ng entry points sa bansa kabilang na rito ang Manila, Clark at Cebu.

Ayon kay Deputy Spea­ker at Zamboanga Rep. Ma. Isabelle Climaco, ito ay upang masiguro na ang mga dayuhan mula sa Amerika ay dadaan muna sa mas mahigpit na scree­ning at matiyak na wala itong dala na nakakahawang flu virus.

Paliwanag pa ni Clima­co, dapat maging maagap at maingat ang mga health authorities at agad na determinahin kung kinakailangan na ang mass immunization o bakunahan na ang mga tao upang makaiwas sa nakamamatay na flu virus.

Dapat din paigtingin ng husto ng DOH ang kanilang media plugs upang makapagbigay inpormasyon sa publiko tungkol sa naturang virus.

Giit naman ni Marikina Rep. Miro Quimbo na simulan na dapat sa mga paliparan ang screening sa mga pumapasok sa bansa lalo’t batay sa Department of Tourism (DOT), pumapa­ngalawa ang US sa tourist arrivals sa Pilipinas mula Enero hanggang Nobyembre 2012.

 

AMERIKA

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TOURISM

DEPUTY SPEA

ISABELLE CLIMACO

MARIKINA REP

MIRO QUIMBO

ZAMBOANGA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with