LP bets inendorso ni PNoy

MANDAUE CITY, Cebu, Philippines -- Kahit hindi pa simula ng kampanya para sa 2013 elections ay personal nang inendorso ni Pangulong Aquino ang senatorial candidates ng administrasyon sa mga Cebuano kahapon.

Niligawan ni Pangulong Aquino ang mga Ce­buanos sa ginanap na pagbisita nito sa Cebu kahapon ilang araw bago ang kapistahan ng Sinulog festival.

Inendorso ng Pangulo kahit hindi pa simula ang election campaign sina Sen. Koko Pimentel, Sen. Ramon Magsaysay Jr., Rissa Baraquel, Ma. Ana Consuelo Madrigal at Aurora Rep. Sonny Angara. Hindi nakadalo si dating Las Pinas Rep. Cynthia Villar pero kinatawan naman nito ang anak na si Las Pinnas Rep. Mark Villar.

Hiniling ng Pangulo sa mga Cebuanos na tulungan ang kanyang mga kandidato sa darating na May 2013 elections na magiging katuwang niya ng pagsusulong ng mga panukala sa Senado upang tuluyang makamit ang inaasam na pag-unlad ng buhay ng mga Filipino sa pamamagitan ng ‘tuwid na daan’.

 

Show comments