^

Bansa

Marantan, iba pa kakasuhan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasong grave misconduct o neglect of duty ang ikinokonsiderang isampa ng PNP laban sa mga opisyal at tauhan ng Police Regional Office (PRO) IV A na nasangkot sa kontrobersyal na shootout sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13 katao noong Enero 6.

Kabilang sa mga posibleng makasuhan ang nasugatang si Sr. Supt. Hansel Marantan, De­puty Chief ng Intelligence Division ng PRO IV A at team leader ng nasabing checkpoint.

Una ng sinibak sa puwesto ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng pulisya na dawit sa nasabing shootout. Kasama rin sa operasyon ang may 25 sundalo.

Nilinaw naman ni PNP Chief Director Gene­ral Alan Purisima na ang mga opisyal ng pulisya at mga tauhan na direk­tang nagsagawa ng checkpoint operations sa Atimonan ang magkakaroon ng pre-charge dahil sa paglabag sa police ope­rational procedures.

Sinabi ni Purisima na nakita sa Fact Finding investigation ng PNP na lumabag ang mga ito sa panuntunan sa pag­lalatag ng checkpoint na nauwi sa madugong shootout.

Kabilang dito ang pag­susuot ng kumpletong uniporme, paglalagay ng signage, mobile patrol ng PNP at iba pa.

Alinsunod sa proseso, ibibigay ang rekomendasyon sa tanggapan ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) para sa pre-charge evaluation na siya namang magdedesisyon kung isasailalim ang naturang mga pulis sa summary hearing o pagpapatalsik sa serbisyo.

ALAN PURISIMA

ATIMONAN

CHIEF DIRECTOR GENE

FACT FINDING

HANSEL MARANTAN

INTELLIGENCE DIVISION

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

KABILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with