^

Bansa

Belmonte caretaker ng Bohol

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansamantala munang tatayo bilang caretaker ng ikalawang distrito ng Bohol si House Speaker Feliciano Belmonte Jr.

Ito ay matapos na sumakabilang buhay noong Disyembre 25, 2012 si 2nd district Rep. Erico Aumentado dahil sa sakit na pneumonia.

Nangangahulugan uma­no ito na direktang si Belmonte ang makikipag-ugnayan sa mga staff ng yumaong kongresista tungkol sa mga operasyon nito at kaugnay na rin sa pangangailangan ng mga constituent nito.

Paliwanag pa ng lider ng Kamara, hindi na nagkaroon pa ng special elections sa naturang distrito dahil nalalapit na naman ang election sa Mayo.

Sa ilalim umano ng Republic Act 7166 o ang Synchronized National and Local Elections, sa sandaling magkaroon ng permanenteng bakante sa Senado o Kamara isang taon bago matapos ang termino nito ay maaa­ring magpatawag o magsagawa ng special election para sa nabakanteng pwesto.

Pinapurihan naman ni Belmonte si Aumentado dahil sa hindi nito matatawarang pagseserbis­yo sa publiko.

 

AUMENTADO

BELMONTE

BOHOL

DISYEMBRE

ERICO AUMENTADO

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

KAMARA

REPUBLIC ACT

SYNCHRONIZED NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with