PhilHealth chief nagbitiw

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Ma­lacañang ang pagbibitiw ni PhilHealth president and chief operating officer Eduardo Banzon.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, tinanggap na ni Pangulong Aquino ang resignation ni Banzon.

Ikinatwiran ni Banzon sa pagbibitiw nito sa puwesto ay upang magkaroon siya ng oras sa kanyang pamilya.

Itinalaga ng Pangulo bilang pansamantalang pinuno ng PhilHealth si Health Sec. Enrique Ona.

Ito na ang ikalawang opisyal ng Aquino go­vernment na nagbitiw sa kanilang puwesto sa taong ito.

Una ay si National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) chief Benito Ramos na ang dahilan ay upang alagaan ang maysakit na asawa.

 

Show comments