Inquiry sa Atimonan shootout suportado ng Kamara at Senado
MANILA, Philippines - Suportado ng liderato ng Kamara ang pagsusulong ng isang kongresista na imbestigahan ang umanoy naganap na barilan sa Atimonan, Quezon kung saan 13 katao ang nasawi.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, bagamat suportado niya ang panawagan ni Minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na imbestigahan ang nasabing insidente ay mas makakabuti munang hintayin ang imbestigasyon na isinasagawa ng mga otoridad lalo na ng National Bureau of Investigation na naunang inatasan ni Pangulong Aquino.
Ayon kay Speaker Belmonte, hindi makakatulong ang kanilamg gagawing imbestigasyon kung isasabay ito sa pagsisiyasat ng NBI.
Samantala, ilang senador din ang nais magsagawa ng hearing tungkol sa shooting incident sa Atimonan, Quezon.
Tiniyak ni Sen. Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na magsasagawa ng imbestigasyon ang kanyang komite sa pagbabalik ng sesyon.
Maging si Sen. Ramon Bong Revilla Jr., ay balak maghain ng resoÂlusyon para paimbestigahan ang pagkamatay ng 13 katao.
Pero sinabi ni Honasan na hihintayin muna niya na makapagsumite ng official report ang PNP sa naturang insidente para may pagbasehan naman sila sa gagawing public hearing.
- Latest