Campaign materials bawal pa

MANILA, Philippines - Habang hindi pa nag­sisimula ang halalan, hindi pa rin maaaring mag­lagay ng anumang  election materials sa anu­mang lugar.

Sinabi ni Comelec Exe­cutive Director James Jimenez na Pebrero 12, 2013 pa ang simula ng kampanya para sa mga national candidate at party­list group habang sa Marso 29 naman ang kampanya para sa mga lokal na kandidato.

Aminado si Jimenez na inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga poster, tarpaulins at paglabas sa mga telebisyon ng mga kandidato dahil pagsapit ng campaign period ay limitado na ang paglabas nila sa media.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Department of Public Works and High­ways (DPWH) para sa mga probinsiya at sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para naman sa mga taga-Metro Manila.

Babantayan din ang tinatawag na “full publi­city” ng mga pulitiko na kung mapapansin ng ko­misyon na palagi na lang ang tatay, asawa o anak ng isang kandidato ang kinakapanayam ay hindi sila mangingi­ming pagsabihan ang me­dia entity at maging ang kandidato.

Show comments