MANILA, Philippines - Inisnab ng QC court kahapon ang hiling ng dating pulis na akusado sa Maguindanao massacre na mailipat siya ng kulungan mula sa QC jail Camp Bagong Diwa, Taguig dahil sa kanyang kalusugan.
Ayon kay QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Reyes, hindi niya pinaboran ang hiling ng akusadong si Supt. Abdulwahid Pedtucasan mula sa selda 3 ng QC Jail annex Camp Bagong Diwa, Bicutan para sa ibang kulungan dahil wala siyang nakikitang balidong rason para mailipat sa ibang kuluÂngan at maaari lamang itong maging dahilan ng pagre-request din ng iba pang bilanggo sa naturang selda.
Una nang nag-request ang kampo ni Pedtucasan sa pamaÂmagitan ng kanyang abogadong si Atty. Marc Jefferson Fernandez ay nagsabing kailaÂngang mailipat ito ng ibang kulungan dahil sa masyadong masikip ang selda at napakarami nilang bilanggo doon na maaaring makaapekto sa kalusugan nito dahil mayroon itong sakit sa puso.
Si Pedtucasan ay daÂting deputy chief ng 150th Provincial Mobile Group sa Maguindanao na ang mga tauhan nito ay kabilang sa 195 akusado sa pamamaslang sa 58 katao kabilang dito ang 32 mediamen sa lalawigan noong Nov. 23, 2009.