^

Bansa

Cell transfer sa massacre suspek inisnab ng korte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inisnab ng QC court kahapon ang hiling ng dating pulis na akusado sa Maguindanao massacre na mailipat siya ng kulungan mula sa QC jail Camp Bagong Diwa, Taguig dahil sa kanyang kalusugan.

Ayon kay QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Reyes, hindi niya pinaboran ang hiling ng akusadong si Supt. Abdulwahid Pedtucasan mula sa selda 3 ng QC Jail annex Camp Bagong Diwa, Bicutan para sa ibang kulungan dahil wala siyang nakikitang balidong rason para mailipat sa ibang kulu­ngan at maaari lamang itong maging dahilan ng pagre-request din ng iba pang bilanggo sa naturang selda.

Una nang nag-request ang kampo ni Pedtucasan sa pama­magitan ng kanyang abogadong si Atty. Marc Jefferson Fernandez ay nagsabing kaila­ngang mailipat ito ng ibang kulungan dahil sa masyadong masikip ang selda at napakarami nilang bilanggo doon na maaaring makaapekto sa kalusugan nito dahil mayroon itong sakit sa puso.

Si Pedtucasan ay da­ting deputy chief ng 150th Provincial Mobile Group sa  Maguindanao na ang mga tauhan nito ay kabilang sa 195 akusado sa pamamaslang sa 58 katao kabilang dito ang 32 mediamen sa lalawigan noong Nov. 23, 2009.

vuukle comment

ABDULWAHID PEDTUCASAN

AYON

BICUTAN

CAMP BAGONG DIWA

JUDGE JOCELYN REYES

MAGUINDANAO

MARC JEFFERSON FERNANDEZ

PROVINCIAL MOBILE GROUP

SI PEDTUCASAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with