MANILA, Philippines - May mali sa inilatag na checkpoint ng militar at police sa Atimonan, Quezon na nag-ugat ng barilan na ikinasawi ng 13 katao kamakailan.
Ayon kay DILG Sec. Mar Roxas, ang ‘legitimacy’ ng police operation ay nabahiran ng pagdududa makaraang lumutang ang inisyal na motibo ng barilan ng makabilang panig ay hinggil sa illegal na sugal na jueteng.
Sinabi ni Roxas, ang isa sa mga napatay na si Victorino Siman at ang sugatan si Supt. Hansel Marantan ay magkaribal umano sa jueteng operation.
Aniya, hindi rin umano sinunod ng mga pulis na nagsagawa ng checkpoint ang kanilang sariÂling protocol na dapat ay unipormado lahat kung magsasagawa ng police checkpoint sa isang lugar at wala rin umanong inilagay na visible na checkpoint signage sa kinaganapan ng barilan habang hindi rin dapat sumama sa checkpoint ang grupo ni Marantan dahil intelligence monitoring ang trabaho ng mga ito.
Nabatid din ni Roxas mula sa inisyal na ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na karamihan sa mga basyo ng bala na nakuha sa kinaganapan ng insidente ay mula sa baril ng mga pulis at militar na nagsagawa ng checkpoint.
Ipinagtataka rin ni Roxas kung bakit kasama ng tatlong pulis at isang sundalo na napatay sa barilan ang umano’y gambling operator na si Siman.
“Hindi tama ang nangyaring ito, dahil unang-una, hindi naman para pupunta lamang sila sa Jollibee na 13 sila, na lahat may armas. Ano ba ang pinupuntahan? Ano ba ang lakad nitong mga ito?†anang kalihim.
Iginiit pa ng kalihim na lahat ng tanong ay posibleng masagot sa susunod na mga araw bunsod ng pagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation.
Nilinaw din ni Roxas na ang ginagawang pagsisiyasat ngayon ng PNP ay hinggil lamang sa admiÂnistrative matters ng kaso at ang significant aspects ay NBI ang magdedetermina upang masiguro na hindi magkaroon ng whitewash sa kaso.