Lumalago ang ekonomiya… PSEi naabot ang 6,000-mark

MANILA, Philippines - Nagdiwang ang Malacañang matapos maabot na kahapon ng umaga ang 6,000-mark ng Philippine Stocks Exchange index (PSEi) sa opening nito.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ito ay matagal nang inaasam ng administrasyon Aquino bilang indikasyon ng lumalagong ekonomiya ng bansa.

Bandang alas-9:44 ng umaga nang maitala ang record-breaking high, ilang oras lamang magbukas ang trading ngayong linggo.

Ayon kay Usec. Valte, masaya sila at “upbeat” sa nasabing performance ng Philippine stocks na patunay na malaki talaga ang tiwala ng mga investors sa Pilipinas.

Umaasa din ang Palasyo na magiging sustainable ang nasabing marka upang lalong lumago pa ang investment sa bansa.

 

Show comments