Pagbabalik ng parusang kamatayan kinontra

MANILA, Philippines - Kinontra kahapon ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang nabuhay na panukala na ibalik na ang parusang kamatayan matapos ang sunod-sunod na insidente ng pamamaril sa bansa.

Ayon kay Escudero sinusuportahan niya ang posisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na huwag ibalik ang parusang kamatayan dahil walang kasiguraduhan na mapi­pigilan nito ang mga kriminal.

“The death penalty will not stop miscreants from carrying out their crimes. I have always said that it is still the certainty of punishment, not its severity, that will deter crimes,” sabi ni  Escudero.

Isa si Escudero sa bumo­to ng pabor sa pagba­sura ng death penalty noong 1990. Mas dapat mahigpit na ipatupad ang batas at gawin ng mga government law enforcement agents ang kanilang trabaho.

Naniniwala si Escudero na kahit pa ibalik ang death penalty, makakalusot pa rin sa batas lalo na yong mga mayayaman kung hindi magiging istrikto ang mga awtoridad.

 

Show comments