MANILA, Philippines - Mariing binatikos ng National Press Club ang Pasay Prosecutor’s Office hinggil sa umano’y “usad-pagong†na reklamo ni NPC lifetime member at beteranong kolumnista na si Ramon “Mon†Tulfo, laban sa mag-asawang Raymart Santiago, Claudine Barretto at negosÂyanteng si Eduardo Atilano.
Ayon kay NPC PreÂsident Benny Antiporda, maaari umanong sabihin ng iba na ‘maliit’ na insidente lang ang lahat subalit, ang mabagal na pag-usad ng reklamo ni Tulfo laban sa mag-asawa ay muling nagpapakita ng sistema ng estado ng ating sistema ng hustisya na mas pabor sa mga mayayaman, kilala at may impluwensiya.
“Pagpapakita rin ito ng kawalang-interes ng pamahalaan sa kapakanan ng mga kasapi ng media.†Ani Antiporda.
Nag-ugat ang reklamo ni Tulfo sa nangyaring gulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Mayo 6, 2012, kung saan pinagtulungang bugbugin ng grupo ni Santiago at Atilano ang beteranong mamamahayag.
“Malinaw naman na pinagtulungan si Mon Tulfo; kitang-kita ang lahat ng pangyayari sa video,†dagdag pa ni Antiporda.
Sinabi ni Antiporda, napilitang lumapit sa NPC si Tulfo dahil sa mabagal na pagkilos ng Pasay Prosecutor’s Office, para punahin ang umano’y nakikitang pagpabor sa mga Santiago.
Dagdag pa ni Antiporda, pagpapakita ng patuloy na pagwawalang bahala ng pamahalaan sa mga kaso at insidenteng kinasasangkutan ng mga miyembro ng media ang ‘usad-pagong’ na reklamo ni Tulfo.