Divorce bill sunod na

MANILA, Philippines - Matapos maisabatas ang Reproductive Health (RH) bill, umaasa ang ilan na sunod na mabibigyan ng atensiyon ang kontro­bersiyal na House bill 1799 o divorce bill na nakabinbin ngayon sa Kamara.

Sa panukala, may limang basehan umano para sa diborsyo kabilang ang limang taon ng hindi nagsasama ang mag-asawa, dalawang taon ng legally separated, pambubugbog o paggamit ng droga at mentally incapacitated.

Sinabi naman ni De­puty Presidential Spokesperson Abigail Valte na wala pang posisyon ang Malacañang sa usapin ng diborsiyo at nananati­ling hindi napag-uusapan.

 

Show comments